top of page
Writer's pictureThe Lakambini

#BinibiniBiyernes: Alaissa Dimdam



Alaissa Dimdam is a driven graphic artist from the Philippines who has a message to spread. Her power is symbolic of the Filipina spirit: relentless, fierce, but also fun, and bubbly. Follow her now @al4ism on Instagram and ALAI Illustrations on Facebook!



Saan ka nagstart? Where are you from and all that, ano yung pinaka bio mo?


So I’m Alaissa, or people call me Alai. From a very young age, I have been into art and sports. For me, nag start ako mag sports sa Marikina, my hometown. Nagstart na rin ako mag focus sa art ko nung senior high sa UST, art strand and doon na rin nagtuloy-tuloy. My course is Fine Arts Advertising Design, and for me as I build my art, since super passionate ako sa fitness and art, ano ba yung pwedeng icombine, bakit di na lang yun yung gawin kong content or story ko. So since cinombine ko yun, gusto ko na motivational approach, yung gusto ko gawin para pag nakita yon ng mga tao in instances na nadodown ang tao tapos yung makita nila yung art, parang nakakapag reflect or nakakapagbigay ng impact.


Paano ka nainspire gumawa ng art?


Kasi ano e, ever since very young age,gusto ko na talaga yung art, pag nakakakita ako ng commercial, sa magazine, natutuwa ako. So parang ako din mismo na visualize ko na ay sana ako rin, soon paglaki ko makakabuo din ako ng ganitong art. So nagtuloy-tuloy din, and I’m glad na supportive din yung parents ko, so ayon nandito ako


“Anong mga naging inspiration mo noong lumalaki ka, or ngayong malaki ka na, saan nanggagaling yung inspo mo for your art:


“Ngayon kasi may mga finafollow din akong mga artist, sina ‘Hulen” kung familiar ka rin doon. Ngayon kasi pag nakikita ko yung mga rat style nila, hala ang galing kasi na build nila yon, pag Nakita mo yung art nila sa random places, parang matic na “ay kay ganito yan”, so parang yun din naging inspiration ko na pag Nakita nila yung art ko, “ma-iidentify nila agad na kay Alai yan” so kaya everyday din lagi akong nag-dradrawing nag-papractice ako kasi gusto ko nga maging consistent tapos as time goes by natutuwa ako kasi maraming taong nakakakita sa art ko tapos (host: rerecognize na siya), oo yung iba tinatag nila sakin na uy “may nakita akong ganitong art, ikaw agad naisip ko.”


Merong parang graphic ang isang website ngayon na parang sayo, sabi ko” hala ninakaw ba to?”


Hindi naman, pero yun din yung mahirap sa art industry, kailangan talaga mag stand out ka, so yun din yung naging inspiration ko na everyday kailangan na may in-eexplore ako, may trial and error so hindi talaga madaling hanapin yung art style, patience, doodle lang din kahit na maliit na bagay everyday. So yon practice lang talaga.


Kailangan full attention, ibubuhos mo lahat ng oras doon sa craft mo. Feeling ko yun yung main advice sa young artists, na practice lang talaga, i-push mo lang ng i-push everyday.


Kahit yung maliit lang na notebook saka pen, pag may nakikita ka, sige drawing mo lang, kahit sobrang weird or sobrang detalyado, doon mo mahihimay kung saan ka comfortable.


Saan mo nakikita yung ultimate art style or ano yung major subjects na idadraw mo someday?


Pangarap ko rin na someday yung art ko mapupunta sa children’s book. Yun din gusto ko kaya mapapansin niyo sa art style ko sobrang wavy, vibrant, kahit childish siya tingnan, yon din gusto ko pag graduate ko.


Other than practicing everyday, ano naman advice mo sa other artist na mahanap yung style? Paano ba hanapin yon?


Well, sa isang ko pang tip is you surround yourself with people who will make you a better artist din, and as a whole person. Kasi maliban sa mainspire ka, mapupush ka rin talaga eh, pag sinasabi ng mga tao sa paligid mo na “hala ang galing neto, ang ganda.” Saka yung impact lang din na paghihilaan niyo pataas, mahirap din mag grow kung paligid mo eh puno ng negativity and doubts. Hindi naman maiiwasang maapektuhan noon, so dapat alam mo rin yung mga taong finofollow mo or yung mga tao sa paligid mo.


Ano naman yung laging nasa isip mo pag gumagawa ka ng art? Meron ka bang goal pag nagdraw ka? Ano yung nasa puso ng bawat gawa?


Personally, I want to improve my art style better than the previous ones. Ito rin yung isa sa goals ko, and secondly, is to inspire people din kaya most of my output, motivational approach siya kaya nagfofocus ako sa vibrant, pagkababy, pagkafree kasi yun yung gusto ko ipakita sa mga tao, so yun yung goal ko.


Ano pa masasabi mo sa Alaism, gusto mo pa ba siya ipursue as a real movement, mag branch out to other artists? How do you find your tribe? Pano mo hahanapin yung mga taong maginspire sayo to be better artist?


Majority ko rin yung mga gusto kong tao, yung gusto rin sa fitness and art. Kung sakali man din na magtuloy at mag grow yon, I have this dream to be a personal trainer, pwede ko rin iyon icombine kung bubuin ko man yun, yun ang Alaism. Mahilig din ako sa illustrations na puro babae and kadalasan yung pagkaportray ko sakanila macho kasi gusto ko ipakita na ang mga babae malakas din yan, not just physically but in all aspects.


Pero yung mga art ko rin, reminder rin na ang mga babae confident yan, impossible to possible. Yun din talaga pinaka agenda ko sa art.


So for fitness naman, ano yung drive mo ? Nagiging inspired ka ba sa art through fitness or the other way around?


Both kasi yung art ko ginagawa ko siya as a reminder, hindi lang for the people but for me kasi ginagawa ko rin yon na mamotivate ako na keep your head up, wag ka susuko like sa fitness din naman since ang parehas kong goal is matuto ako everyday. Not just in art, but in fitness kasi pag nagwoworkout ako, mas nakakapagisip ako ng ideas, ng mga concepts kaya minsan after class, after gumawa ng plates tapos nadrain na ako, mag workout lang ako ng 10-15 minutes tapos ayon gumagana creative juices ko.


Kasi kung iisipin mo art and fitness parang ang layo, pero in general ah, lahat naman nagwowork. May branch pa ring magcoconnect kahit anong gawin mo.


So if ever, how can people find you? Saan ka namin hahanapin?


Active ako sa IG @al4ism. I have a facebook page, Alai Illustrations, doon ko rin nilalabas yung commissions and personal art ko. Lagi ako online.



Interview by Tiffany Itchon

Video by Marelle Banez

Layout by Gillian Navarro


89 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page